Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga ng heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan, ekonomiya,at ugnayan ng mga bansa sa rehiyong Asya tungo sa paggalang at pagpapahalaga ng mga pagkakatulad at pagkakaiba sa rehiyon at sa papel ng Pilipinas sa Asya tungo sa paglinang ng isang mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng kinabukasan.